29

Apr 7, 2018 @ 13:46

Simmons umapoy sa Sixers para daigin ang Cavs

Nakapagtala ng 12th triple-double ngayong season si Ben Simmons sa ginawang 27 points, 15 rebounds at 13 assists para pangunahan ang Philadelphia 76ers na padapain ang Cleveland Cavaliers, 132-130, Biyernes ng gabi sa Wells Fargo Center.

Ika-13 sunod na panalo na ito ng Sixers sa unang pagkakataon makalipas ang 1984-85 season.

Kumaripas din si JJ Redick ng 28 points habang nag-ambag si Marco Belinelli ng 23.

Umangat din ang Sixers sa Cavaliers sa No. 3 spot sa Eastern Conference playoff standings.

Dalawang laro na lang ang natitira sa Cleveland habang tatlo pa sa Philadelphia.

May walong turnovers si LeBron James na nagposte muli ng triple-double sa 44 points, 11 rebounds at 11 assists.

Pilit lumapit ang Cleveland at sa 3-pointer ni James, bahagyang natapyasan ang kalamangan ng Sixers, higit tatlong minuto pa ang nalalabi sa fourth quarter.

Umiskor ng siyam na sunod na puntos para sa Cleveland si James pero sumagot ng 6-0 run ang Philadelphia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?