13

By ,

Simmons sabak sa Australian Boomers sa FIBA

Kinumpirma na ni Philadelphia 76ers star Ben Simmons ang pagsali sa Australian Boomers lalo na’t nakapaglaro na ito kasama ang tropa sa kanilang gold medal finish sa Oceania championship noong 2013.

Agaran ding kinumpirma ng 2018 NBA Rookie of the Year ang partisipasyon nito sa darating na FIBA World Cup sa China sa kanyang Weibo page.

“Ni Hao China! Thanks for all the support this season, it was a tough way to go out. I’m happy to say I’m looking forward to representing my country Australia in the upcoming @FIBA World Cup in China! Stay tuned,” post nito.

Naging maingat din si Boomers coach Andrej Lemanis na idagdag sa kanyang roster si Simmons dahil na rin sa importanteng off-season nito sa NBA.

“He needs to navigate himself through all of that before he can confirm his availability,” ani Lemanis.

Bukod kay Simmons, ilang NBA stars din ang maglalaro para sa Australia gaya nina Joe Ingles, Andrew Bogut, Patty Mills at Aron Baynes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?