47

Jun 26, 2018 @ 10:59
By

Simmons ng Sixers, hinirang na Rookie of the Year

Si Philadelphia 76ers point guard Ben Simmons ang nahirang na Rookie of the Year ng NBA matapos nitong akayin ang kanyang koponan na mabasag ang limang taon na pagkatigang sa playoff.

Siya ang No. 1 overall pick noong 2016 NBA Draft pero dahil sa nabaling paa ay nabangko siya ng 2016-17 season.

Tinulungan ni Simmons ang 76ers na makaabante sa Eastern Conference semifinals nitong taon kung saan kinapos lang sila sa Boston Celtics sa five-game series.

Pinataob ni Simmons sa karangalan sina Utah Jazz guard Donovan Mitchell at Boston Celtics forward Jayson Tatum sa ginanap na awards night sa Santa Monica, California.

“I’d like to thank my family, to start off with,” ani Simmons sa kanyang acceptance speech. “My family, friends, you know I wouldn’t be here without them, and my teammates of course and my great coach (Brett Brown), and the city of Philadelphia for really embracing me.”

Nag-a-average ang 6-foot-10 guard ng 15.8 points, 8.2 assists, 8.1 rebounds at 1.7 steals sa 81 laro noong nakaraang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?