27

Sep 23, 2021 @ 14:44
By

Simmons ayaw na talaga sa 76ers

Matigas na talaga ang desisyon ni Ben Simmons na umalis sa Philadelphia 76ers.

Ayon sa ulat ng ESPN, kahit pa gusto ng management ng 76ers na dumalo sa training camp si Simmons ay ayaw na talaga nitong lumaro para sa koponan na nagdraft sa kanya noong 2016.

Huli umanong nakipag-usap ang 25-anyos na manlalaro sa management ng 76ers noong Agosto at doon niya sinabi ang kanyang nais na maitrade.

Mula noon ay ‘di na rin umano kinausap ni Simmons ang sinuman sa management ng Philadelphia.

May natitira pang apat na taon at $147 milyon sa kanyang kontrata si Simmons.

Nagsimula ang drama sa karera ng bagitong manlalaro matapos ang nakakahinayang niyang ipinakita sa Eastern Conference semis series kontra sa dehadong Atlanta Hawks.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?