140
views
trillanes2
By

Simbahang Katoliko binulabog ni Duterte – Trillanes

Sharing is caring!

Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte ng pananakot at pambubulabog sa Simbahang Katoliko.

Sinisindak umano ng pangulo ang mga lider ng simbahan dahil binabatikos ang kaniyang war on drugs at ang mga patayan dito.

Taktika rin umano ng pangulo na siraan ang mga pari at mga lider ng simbahan para hindi pakinggan ng nagsisimba at magsilipat na lang ang mga Katoliko sa Iglesia ni Duterte kung saan pwede umanong gawin ang lahat ng kasalanan.

Ayaw aniya ng pangulo na mayroon ditong kumokontra dahil ang gusto niya ay lumuluhod lahat sa kaniya.

“Ang ginagawa niya, tinatakot niya lahat ng Pinoy kasi itong Catholic Church, isa sa mga sektor na nage-express ng concern sa mga polisiya niya, ayaw niya nang ganun, gusto niya lahat lumuluhod sa kanya,” ani Trillanes.

“Since hindi niya makontrol, gusto niya ngayon itong Catholic ay umalis at huwag maniwala sa mga pari. Sinisiraan niya para di pakikinggan ang mga sermon at huwag na raw magsimba at pumunta na lang daw dun sa Iglesia ni Duterte kung saan lahat ng kasalanan puwedeng gawin. Ganun ang ginagawa niya para mabawasan ang credibility,” dagdag ng senador.

Matatandaan na ilang ulit nang inupakan ng pangulo ang simbahang katoliko at ang mga pari at nitong nakaraang araw, sinabi niyang God is stupid samantalang perfect naman daw ang kaniyang Diyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?