1,432
Simbahang Katolika butata sa Comelec
By

Simbahang Katolika butata sa Comelec

Bigo ang Simbahang Katolika na maipasuspinde sa Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa national level.

Ayon kay Commissioner Luie Guia, tuloy at hindi mapipigilan ang proklamasyon ng mga winning candidate sa national level alinsunod na rin sa itinatakda ng batas.

“We go by our rule,” diin pa ni Guia.

Aniya, walang magagawa ang Comelec na umuupo bilang National Board of Canvassers (NBOC) kundi sumunod sa itinatadhana ng canvassing laws.

Sa ilalim ng batas, pwede lang umano nilang suspendihin ang proklamasyon kung wala nang certificate of canvass na kanilang ika-canvass o kung may patunay na peke ang mga certificate na ibinigay sa kanila.

Maaari aniyang isumite ang mga ebidensyang ito sa sesyon ng NBOC para matalakay nila.

Hiniling ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – National Secretariat for Social Action executive secretariat Father Edwon Gariquez ang suspensyon ng proklamasyon kasunod ng mga alegasyon ng mga iregularidad sa katatapos lang na national at local elections.

Nais din ng Simbahang Katolika na bumuo ng isang independent body para imbestigahan ang nasabing mga akusasyon.

Sinabi naman ni Commissioner Rowena Guanzon na bukas sila sa imbestigasyon para patunayang walang naganap na dayaan sa eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?