61
ABANTE-TNT-simbahan-vinta-Edwin-Gariguez
Dec 28, 2017 @ 9:25
By

Simbahan umapela ng tulong sa mga nasalanta ni Vinta

Umapela ng P5.8 milyon tulong ang Simbahang Katoliko para sa mga naapektuhan ng bagyong Vinta.

Nabatid kay Fr. Edwin A. Gariguez,executive secretary ng NASSA/Caritas Philippines,ito ay para itulong sa may 3,000 pamilya na lubhang naapektuhan ng bagyong Vinta sa lalaqigan ng Misamis Oriental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Compostela Valley at Davao del Norte.

Ang naturang halaga ay para sa pambili ng food packs, hygiene kits at iba pang pangangailangan. Nalaman na noong Disyembre 26 ay nakapagpalabas ba ang Caritas Manila,ay nakapagpalabas na ng P1.8 milyon sa mga simbahan sa Butuan, Tagum City, Zamboanga Sibugay, Cagayan de Oro City, Iligan City, Marawi City at Dipolog City.

Naglunsad na rin ang NASSA Caritas ng online solidarity donation campaign sa pamamagitan ng kanilang Alay Kapwa program.

Maari umanong ipadala ang donasyon sa pamamagitan ng NASSA/Caritas Philippines’ Alay Kapwa account: Bank of the Philippine Islands at ideposito sa CBCP CARITAS FILIPINAS FOUNDATION INC. sa Account No: 4951-0071-08. (Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?