16

By

Simbahan sa mga kabataan: Magparehistro, bumoto!

Sharing is caring!

HINIKAYAT ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga kabataan na magparehistro para makaboto sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Rev. Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Youth (CBCP-ECY) kailangan na makibahagi ang mga kabataan sa eleksyon dahil karapatan ang pagboto sa demokratikong bansa.

“We are a Democratic Country and this is one way of enjoying our Democracy where we use our right for suffrage so it is good for young people to consider registering in preparation for the coming Election,” bilin ng alagad ng Simbahan.

Unang inanunsiyo ng Comelec na ang mga bagong botante ay maaring magparehistro hanggang Setyembre 29 sa kanilang mga lokal na tanggapan.

Bukas ang local Comelec offices mula Lunes hanggang Sabado mula alas 8 ng umaga hanggang ala 5 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?