77

Dec 12, 2018 @ 11:38
By

Simbahan sa Brazil niratrat, 4 patay

Apat na katao ang namatay sa isang katedral sa Campinas City, Brazil noong Martes sa nasabing bansa.

Ang nag-amok ay si Euler Fernando Gandolfo, 49-anyos, isang systems analyst na walang criminal record.

“I suddenly saw a man stand up, take position in front of a couple and shoot them point blank. I ran out fast and he continued firing, many shots,” ayon kay Pedro Rodrigues, isang 66-anyos na retiree.

Marami umano ang nagdarasal sa simbahan habang nagpapaputok ang gunman.

Kita umano sa mga security camera, ayon kay Campinas police chief Jose Henrique Ventura, ang ginawa ni Gandolfo na nakaupo muna bago magpaulan ng bala.

May dalawang dalang baril si Gandolfo at may 28 pang bala bago nagpakamatay matapos itutok ang baril sa sentido at kalabitin ang gatilyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?