30
COVID-19 positive na mga senador umaayos na ang pakiramdam
Mar 31, 2020 @ 16:09

Simbahan nanawagan sa CEAP-NCR

Hiniling ng Simbahang Katoliko sa Catholic Educational Association of the Philippines-National Capital Region (CEAP-NCR) na maging bukas sa pagtulong, kasunod na rin sa nararanasan ng bansa kaugnay ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Fr. Nolan Que, Regional Trustee ng CEAP-NCR, maaaring makatulong ang mga public schools sa pamamagitan ng pagbubukas ng kanilang mga pasilidad para sa mga taong walang matuluyan, mga health workers at maging sa mga itinuturing na Patients Under Investigation (PUIs) at Persons Under Monitoring (PUMs).

“Open our school facilities to those who are homeless, to health workers and even to persons under investigation (PUI’s) and/or persons under monitoring (PUM’s) for them to have place for resting and recreation, and more importantly for reconnecting with the Lord,” ayon pa sa liham ni Fr. Que.

Kasabay nito, hinikayat rin ng pari ang lahat ng kasaping paaralan na paigtingin ang pananalangin ng komunidad tuwing alas-7 ng umaga, pagdarasal ng rosaryo gayundin ang Oratio Imperata.

Nabatid na CEAP-NCR ay binubuo ng 150 paaralan sa buong Metro Manila.

Bukod sa pananalangin, hinihiling din ang pakikiisa ng mga guro, magulang ang mga estudyante na maging bahagi sa pagtulong sa mga mahihirap, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang pangunahing pangangailangan lalo’t marami ang hindi nakakapagtrabaho dahil na rin sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ipinabatid din ng ilang kasapi ng mga Katolikong paaralan na maging ang mga kumbento ng mga religious congregations ang magbukas bilang pansamantalang tahanan ng mga medical frontliners

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?