143

Jun 12, 2021 @ 15:25
By

Simbahan nag-concert, COVID sa Northern Samar kumalat

Itinurong dahilan ni Northern Samar Governor Edwin Ongchuan sa pagtaas ng COVID-19 case sa lalawigan ang ginanap kamakailan na concert ng simbahan.

Ayon kay Ongchuan, nagtala sila ng 123 active case sa loob lang ng isang araw noong June 10 sa munisipalidad ng Victoria.

Bunsod nito, sumirit ang kabuuang active case ng lalawigan sa 218.

Lumabas aniya sa ginawang contact tracing na nag-ugat ang mga bagong nagpositibo sa ginanap na church concert.

“May iba pong mga kababayan natin mula sa ibang bayan, dito po nagsipunta sa Victoria at sa kasamaang-palad may naitala pong dalawang nasawi sa COVID,” pahayag niya sa Laging Handa briefing ngayong Sabado, June 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?