176

Oct 15, 2017 @ 16:57

Simbahan Katoliko walang balak ibagsak si Duterte – Bishop Bacani

Sa harap ng mga ugong ng destabilisasyon, nilinaw ngayon ng isang obispo na hindi balak ng Simbahang Katoliko na pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr., ang mga pagpuna ng Simbahang Katoliko ay sa hangarin na magkaroon ng pagbabago sa estilo ng kanyang pamumuno.

Partikular na pinuna ni Bacani ang malimit na pagmumura ni Duterte, ang nagaganap na patayan dahil sa gyera kontra droga at pabagu-bagong desisyon.

“Hindi ako sumasama diyan na magresign kayo. Ang sabi ko lang magbago kayo at magbago kayo ng paraan,” giit ni Bacani.

Sa ulat, 14 na libo na ang napapatay na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nauna na ring nagbigay ng pahayag ang mga pinuno ng Simbahang Katoliko na hindi pagpaslang ang susi para mawakasan ang problema ng droga sa bansa kundi rehabilitasyon ng mga lulong sa bisyo. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?