87

Oct 18, 2017 @ 16:56

Simbahan, iba’t ibang grupo sanib-puwersa sa land reform movement

Magsasama-sama ang mga pinuno ng iba’t ibang organisasyon ng mga magsasaka, mangingisda, katutubo, non-government organization at mga alagad ng Simbahan para sa ilulunsad na pagkilos para sa pagsusulong ng genuine agrarian reform.

Gagawin ang pagtitipon ngayong Huwebes sa tanggapan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Intramuros, Maynila.

Sa nasabing pagtitipon, pormal na ilulunsad ang CLAMOR o Coalition for Land, Against Martial Law and Oppression.

Tututukan ng ilulunsad na pagkilos ang hinaing ng mga magsasaka para sa libreng land distribution at genuine agrarian reform.

Makikiisa rin ang grupo sa kampanya laban sa mga pagpatay sa mga magsasaka na nagaganap umano sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Tampok sa seremonya ang pagpapalabas ng unity statement ng movement.

Kasama rin sa dadalo sa pagtitipon ang mga kaanak ng mga biktima ng extrajudicial killings. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?