121
father-dan-cancino
Feb 15, 2018 @ 21:37
By

Simbahan hindi bilib sa condom vs HIV

IGINIIT ng isang opisyal ng Simbahan Katoliko na palpak na panlaban ang condom sa HIV.

Ipinunto ni Fr. Dan Cancino, executive secretary ng Episcopal Commission on Health Care ng Catholic Bishops’ Conference of the Phils. (CBCP) na sa kabila nang pamamahagi ng condom ng gobyerno at ilang grupo, patuloy ang pagtaas pa rin ng kaso ng HIV sa bansa.

Kayat duda si Cancino kung ang condom ay mabisang paraan para labanan ang HIV.

Bunga nito, muling binatikos ng alagad ng Simbahan ang mga grupo na nagtutulak sa paggamit ng condom para pigilan ang pagkalat ng HIV.

Base sa datos na inilabas ng Department of Health noong nakaraang buwan, mula Enero hanggang Oktubre noong nakaraang taon, nagkaroon ng 9,217 bagong kaso ng HIV sa bansa.

Una nang binatikos ni Cancino ang planong pamamahagi ng condom sa mga high school students sa mga pampublikong paaralan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?