244
ABANTE pari San Miguel Arkanghel Parish Church
Jan 23, 2018 @ 12:04

Simbahan ginawang ballroom dance floor ng pari sa Bulacan

Imbes misa ang isagawa, pinagdausan ng sayawan ng isang pari ang harap ng altar ng simbahan.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, pinakita ang isang video kung saan makikita si Reverend Father Wilfredo Lucas, pari ng San Miguel Arkanghel Parish Church sa Plaridel, Bulacan, na nagsasayaw ng ballroom habang may kapareha sa ilalim ng makukulay na ilaw bilang parte umano ng kaarawan ng pari.

Sabi pa sa ulat, kadalasang isinasagawa ng pari ang mga event nito sa loob ng simbahan para makatipid sa gastos sa venue kung saan isang ballroom night na umano ang naka-iskedyul nang ganapin dito sa Pebrero 10 para naman sa Valentine’s Day.

Nakatakda pang hingin ang komento ng pari hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?