17
sim-card

SIM card registration bill, aprub na sa Kamara

Sharing is caring!

Lumusot na sa huling pagbasa ng House of Representatives ang pag-awtorisa sa rehistrasyon ng Subscriber Identity Module (SIM) card users.

Layon ng House Bill 7233 o ang “Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act” na matunton ang mga kriminal na gumagamit ng post-paid at prepaid SIM cards para magsagawa ng krimen gaya ng pagnanakaw at kidnapping for ransom.

Inaprubahan ito ng Martes sa botong 167 laban sa 6 na tumuligsa.

Sa proseso ng rehistrasyon, kinakailangang magprisinta ng ID ang SIM users sa Public Telecommunication Entity (PTE), ang tao na nagbigay ng bayad na telecommunication services sa publiko.

Ang PTE o direct seller ang siyang magsa-submit ng registrations sa pamamagitan ng SIM card registration form na naroon ang buong pangalan, kaarawan, kasarian at address ng user na may larawan.

Sinumang users na mabibigong magparehistro ay tatanggalan ng access sa PTE services at pagmumultahin ng P300,000 sa unang paglabag; P500,000 sa ikalawa; at P1 million sa ikatlo.

Mahaharap naman ang direct seller sa suspensiyon at multang P5,000 hanggang P50,000 kapag lumabag sa nasabing batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?