78

By

Silver tinabla ang China: Morey mananatili sa NBA

Hindi nagpatakot si NBA Commissioner Adam Silver sa China sa kabila ng tensyon dahil sa naging pagsuporta ni Houston Rockets general manager Daryl Morey sa Hong Kong protestor na kontra sa Chinese government.

Kinumpirma ni Silver na hinihiling sa kanya ng Chinese government na kanyang patalsikin si Morey bilang general manager sa liga.

“Obviously, we made clear that we were being asked to fire him by the Chinese government, by the parties we dealt with, government and business,” ayon kay Silver.

“We said, ‘There’s no chance that’s happening. There’s no chance we’ll even discipline him.’”

Sinabi rin ni Silver na hindi siya sigurado sa kahahantungan ng liga ngayong nagkakaroon ng iringan sa pagitan nila at ng China.

“I felt we had made enormous progress in terms of building cultural exchanges with the Chinese people,” aniya pa. “Again, I have regret that much of that was lost. And I’m not even sure where we’ll go from here.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?