205
Silipin: Pasabog na national costume ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019
Dec 7, 2019 @ 17:43
By

Silipin: Pasabog na national costume ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019

Takaw-pansin ang inirampang national costume ni Philippine bet Gazini Ganados sa stage ng Miss Universe 2019 pageant.

Kabilang ang 23-anyos na Cebuana sa 90 na kandidata na nagrampa ng kani-kanilang national costumes sa preliminary competition ng pageant na ginanap sa Atlanta Marriott Marquis sa Georgia, USA Biyernes ng gabi, December 6 (Sabado ng umaga sa Pilipinas, December 7).

Suot ni Gazini ang Philippine Eagle-inspired costume.

Ang Philippine Eagle ang pambansang ibon ng Pilipinas.

Ibinahagi nina @iamErickT at @jerdepon ang ilang litrato at clip ni Gazini suot ang costume.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?