43

Oct 4, 2017 @ 17:28

@SilentNoMorePH admin, isa-subpoena ng Senado

Ipapatawag na ni Senate Committee on Public Information and Mass Media Chairperson Grace Poe ang dating miyembro ng Aquino administration na nasa likod ng “Silent No More” blog.

Ito ay kasunod nang hindi sumipot sa pagdinig sa fake news sina Edward Angelo “Cocoy” Dayao at Niña Terol-Zialcita.
“Sa ngayon si Dayao pa lang ang may subpoena kasi mukhang siya ang ayaw sumipot. Sa iba reiteration of the invitation,” saad ni Poe.

Sina Dayao at Zialciata ay tinukoy ni Rey Joseph Nieto, mas kilala bilang Thinking Pinoy, na nasa likod ng Silent No More PH site batay sa kanyang mga pag-aaral.

“Napatunayan ko so far, si Cocoy Dayao siya ung administrator ng blog but it doesn’t necessarily mean he’s also creating the content,” pagliinaw ni Nieto.

Batay pa sa research ni Nieto, si Dayao ay dating opisyal ng Presidential Communications Operations Office ng Aquino administration habang si Zialcita ay dating political communications officer nina Senador Kiko Pangilinan at Senador Bam Aquino.

Ibinunyag pa ni Nieto sa pagdnig na bukod sa SIlent No More PH, si Dayao din ang webmaster ng ProPinoy.
Nangako rin naman si Nieto na handa siyang ilabas pa ang mga karagdagang impormasyon hinggil kina Dayao at Zialcita sa executive session.

“This is possible po kaya lang po, i can answer that po in an executive session kasi I don’t want to break laws,” sagot ni Nieto sa tanong ni Senate Majority Leader Tito Sotto kung maaring makita sa Google Adsense ang mga pangalan ng dalawa.

Ang Silent No More PH ang sinasabing nasa likod ng paglalabas ng blog hinggil sa pagtanggi umano ng pitong senador na lumagda sa kontrobersyal na resolusyon laban sa extrajudicial killings.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?