18

Jul 25, 2020 @ 11:19

Siksikang mga LSI kinatakutan sa COVID transmission

Pinangangambahan ng ilang netizen na baka tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga locally stranded individual (LSI) na dumagsa sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila para makasama sa Hatid Tulong program ng gobyerno.

Inaasahang ngayong weekend magbibigay ng libreng biyahe ang gobyerno para makauwi na sa kanilang probinsya ang mga na-stranded sa Metro Manila dahil sa ipinatupad na quarantine protocol.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Rowena Salvacion, isang radio correspondent/anchor, na natatakot siya sa sitwasyon ng mga LSI sa nasabing sports complex.

“That situation in Rizal Memorial Sport Complex is scary. Like…i can almost hear it ticking,” sabi ni Salvacion.

Isang Facebook user naman, si Rick Coldweathered Lamigo ang nagkomento na bakit bawal aniya ang rally sa Commonwealth Avenue samantalang siksikan ang mga LSI sa Rizal Memorial Sports Complex.

“Bawal ba kamo Rally sa Commonwealth dahil sa bawal ang Mass Gathering at walang social DISTANCING?,,,,ang talino nyo itinago nyo sa loob ng Rizal Stadium ang libo-libong SLI’s na nagsisiksikan at walang Facemask.Ilinagay nyo sa alanganin ang kalusugan mg napakaraming Tao hanggang sa pag-uwi nila sa kanilang mga probinsy,” bahagi ng FB post nito.

Nabatid na maraming LSI ang nagpalipas na ng magdamag sa naturang sports complex dahil sa pag-asang makakauwi na rin sa kanilang probinsya sa pamamagitan ng Hatid Tulong program ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?