22

Mar 3, 2020 @ 15:21
By

Sikreto ni Floyd ituturo kay Deontay

Gustong turuan ni Floyd Mayweather Jr. si Deontay Wilder kung paano manalo.

Handa itong ituro ang kanyang sikreto.

“If I train him! If I train him, I can teach him how to win!,” panghihikayat ni Mayweather kay Wilder.

Nitong Pebrero 22 ay taob si American-pro boxer Wilder kay British Tyson Luke Fury sa 7th round.

“Win, Lose or Draw … Deontay is our brother that has accomplished many triumphs and as a community we should all uplift and support him throughout it all,” pagmamalasakit pa ni Mayweather.

“No matter what, you’re still a winner in my eyes, King!”

Sa pinakahuling report, nagkasunod na umano ang kampo nina Wilder at Fury sa kanilang third encounter sa Hulyo.

Hawak ni 6-foot-7 fighter Wilder ang 42 wins, 1 loss at 1 draw record habang si Tyson naman ay mayroong 30-0-1 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?