41

Jun 25, 2022 @ 16:32
By

Siklista inararo ng trak, tsugi

Patay ang isang siklista nang mabangga ito ng isang trak noong Biyernes sa San Mateo, Rizal.

Kinilala ang biktima bilang si Felipe Montalban.

Ayon sa ulat ng Calabarzon police, tumatawid si Montalban sa isang kalsada sa Barangay Banaba dakong alas-11:00 ng umaga sakay ng kanyang bisikleta.

Sa kanyang pagtawid, nabangga siya ng ten-wheeler truck na minamaneho ni Ronaldo Icamina.

Matinding pinsala sa katawan ang tinamo ni Montalban at nasawi habang dinadala sa pagamutan.

Boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang drayber ng trak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?