68

Oct 8, 2021 @ 18:54
By

Sikat na trio ng ‘TV Patrol’ nalusaw

Balik “TV Patrol” si Karen Davila simula sa October 11.

Makakasama ni Karen sina Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano-Aguinaldo.

Ito ay matapos umalis ni “Kabayan” Noli de Castro dahil sa pagtakbong senador sa darating na halalan.

Dahil dito, tuluyang nalusaw ang kilalang trio ng “TV Patrol” na sina De Castro, Korina Sanchez at Ted Failon.

Noong nakaraang taon lumipat sa TV5 si Korina matapos ang mahigit tatlong dekada sa ABS-CBN.

Tumalon naman si Ted sa Radyo5, ang radio station ng Kapatid Network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: