12

By

Sikat na street food, mabibili na sa KFC

Sharing is caring!

Kung balat ng manok lang ang trip niyo, swak kayo sa bagong handog ng KFC!

Para sa iba, madalas hinuhuling kainin ang balat ng manok dahil tila ginagawa itong panapos para manatili sa dila ang masarap na lasa ng isa sa pinaka-juicy na parte ng chicken.

Kaya naman nakaisip ang KFC na gumawa ng special menu para sa mga chicken skin lovers.

Ang Original Recipe Cracklings ay isang bucket na puno ng chicken skin mula sa kanilang original recipe, na kapag pinartner sa kanilang masarap na gravy ay talaga namang magpapatakam sa hapag-kainan.

Ito ay nagkakakahalaga ng P35 para sa regular size habang P58 naman para sa large.

Sa ngayon ay limited lang ang mga branch kung saan ito mabibili, ito ay sa Acropolis, Araneta Center-Cubao, Ayala MRT station, Eastwood City, National Life Ayala, at Ortigas Extension branches.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }