10

Oct 24, 2020 @ 12:22
By

Signal no. 1 tinaas sa Catanduanes

Sinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ang Catanduanes dahil sa bagyong Quinta.

Base sa weather bulletin ng Pagasa nitong alas-11 ng tanghali, posibleng mag-landfall sa Catanduanes ang tropical depression sa loob ng 36 oras.

Kaya naman may tsansang itaas din ang Signal No. 1 sa mga kalapit na lugar tulad ng Albay, Northern Samar, Sorsogon at ilang parte ng Camarines Sur.

Ang TD Quinta ay may lakas ng hangin na 55 kilometers per hour (kph) at pagbugso na umaabot sa 70 kph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?