149

Dec 25, 2019 @ 19:26
By

Signal ng Globe, apektado ng bagyong ‘Ursula’

Makakaranas ng signal interruption sa ilang lugar sa Visayas at Southern Luzon dahil sa pinsalang dulot ng bagyong ‘Ursula’.

Ayon sa nilabas na listahan ng Globe, unavailable o hindi muna magagamit ang mobile at internet service sa mga sumusunod na lugar:

Eastern at Western Samar
Leyte
Capiz
Aklan (kasama ang Boracay)
Roxas

Siniguro naman ng Globe na kanilang ginagawa ang makakaya upang kaagad na maibalik ang serbisyo sa mga nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?