43

By

Signal jammer ng China sa Panganiban Reef, ‘di kayang pigilan – Lorenzana

Sharing is caring!

Hindi makakapigil ang Pilipinas sa China sa paglalagay ng signal jammer sa lahat ng kanilang reclaimed islands.

Reaksiyon ito ni Defense Secretary Defin Lorenzana makaraan ang ulat ng Wall Street Journal na naglagay ng signal jammer ang China sa Panganiban Reef, isa sa mga isla sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Lorenzana, hindi nga napigilan ng Pilipinas ang ginawang reclamation sa ilang mga isla sa West Philippine Sea ng China, ang paglalagay pa kaya ng signal jammer.

Posible aniyang naglagay ang China ng signal jammer dahil alam nilang mamomonitor sila ng mga armadong US Navy ship.

“Ang suspetsa ko nasagap ng mga US Navy ships ‘yung jamming signals. Ano ang purpose ng jammers ng China? Kasi alam nilang armado mga US Navy ships. Mapipigilan ba natin ang China na maglagay ng jammers sa reclaimed Islands nila? Hindi nga natin sila napigilan noong mag-umpisa silang mag-reclaim,” sabi ni Lorenzana.

Napakadali aniyang maglagay ng signal jammer sa isang sasakyan para putulin ang komunikasyon at ang pinakamodernong paraan nito ay nagagamit sa mga weapon system na makikita sa mga malalaking barko at gusali.

High tech aniya ito kaya maaaring buksan o patayin depende sa misyon at kahit may sensor ay hindi malalaman na may signal jammer kung hindi ito nakabukas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?