131

By

Sigaw ng netizens sa Beer-Gins PBA Finals: Moro-Moro!

Sharing is caring!

Sa feeling nilang scripted ang PBA Finals ng 2 sa 3 sister team ng San Miguel Corp. na nagsasabong para sa korona ng Commissioner’s Cup, pinasabog ng mga netizen ang kanilang ngitngit sa nagdaang 2 araw sa socmed.

“Now it’s the other coach who’s going to say (again) he’s embarrassed. This series is a sham. Give us a real finals game not a business strategy,” himutok na tweet ni Joey Feir sa kanyang account na @feirfactor.

Kabilang pa sa mga pinukol na pahayag ng ibang cage fans sa socmed ang mga katagang Fixed. Pre-arranged. Benta. Circus. Biyahe.

Hinihinala nilang taktika ang bigayang panalo ng Ginebra at San Miguel base sa natapos na apat nang laro ng best-of-7 series na may average winning margin na 30.25 points.

Anila pa, ito’y para umabot sa Game 7 ang serye upang kumita lang ang liga na para rin sa Gin Kings at Beermen.

“Di kaya magtatambakan lang sila hanggang Game 6? Tapos ‘yung totoong laro for the championship ay sa Game 7?” komento ni Julius Cainglet sa @dabigdyul.

“After 4 games of blow out wins split between 2 sister teams, I’m having doubt as to the integrity of the PBA finals. Did they agree at the onset that it will be decided at game 7? Show the public a real game please,” reaksyon ni monsp @monsplp.

Agad namang dinepensa ni league commissioner Wilfrido Marcial ang senaryo, giniit na ang magarang shooting ng sinuman sa dalawa ang susi sa tig-2 panalo ng magkabila — Game 1: Ginebra – 127, San Miguel – 99 (28-point margin); Game 2: San Miguel – 134, Ginebra – 109 (25-pt. margin); Game 3: San Miguel – 132- Ginebra- 94 (38-point margin); at Game 4: Gienbra – 130, San Miguel – 100 (30-point margin). ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?