468

Jan 2, 2018 @ 18:08
By

Sigaw ng nanay ni Janella: Elmo makapal, gatecrasher

Kung pagbabasehan ang mga nabasa naming comments sa Facebook post ni Jenine Desiderio, mommy ni Janella Salvador ilang araw bago ang New Year’s Day, boyfriend daw ni Janella ang tinutukoy ni Jenine sa post niya.

Wala kaming nabasang pangalan kung sino ang tinutukoy na boyfriend ng netizens. Si Elmo Magalona lang kasi ang alam naming malapit sa dalaga ngayon.

Matindi ang akusasyon ni Jenine sa tao at halatang galit o ayaw na ayaw niya sa taong ‘yun na ang paratang niya ay gatecrasher at makapal.

Narito ang post ni Jenine, “How dare you gate crash both sides of our family’s Christmas reunions. Do you really just do this as in come uninvited? And how could you enjoy knowing I did not come in knowing you were there? My family’s too decent to make you leave but you think you’re welcome & accepted? Think again. If you can. #angkapal!”

Kung mababasa ni Jenine ang comments naman ng netizens base sa post niya, halos lahat ay negatibo ang naging dating sa mga nakabasa.

May nagsabing kesyo OA raw si Jenine. May nagsabi naman na grabe raw ang mommy ni Janella at inilalabas sa socmed ang lahat ng inis. Kesyo major turn-off daw.

May mga naawa kay Janella pero may nabasa rin kami na kasi raw, matigas ang ulo ni Janella.

Naku, ano nga ba talaga ang totoo? Pero siguro nga, mas maganda pa rin na hindi dinadaanan ang mga ganitong bagay, lalo na pangpamilya sa socmed at mas magandang pag-usapan na lang nila. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?