162
ABANTE Arwind Santos blocks
Aug 16, 2019 @ 16:07
By

Sigaw ng mga netizen: Arwind dapat magaya kay Abueva!

Kung ang mga netizen ang masusunod, dapat ay masuspende rin ang San Miguel forward na si Arwind Santos dahil sa ginawa nitong pang-aasar na unggoy kay TNT import Terrence Jones.

Naging sentro ng kritisismo si Santos matapos nitong asarin si Jones na pinalagan ng ilang sports personality, maging ang mismong import ay hindi natuwa at sinabing dapat managot ang manlalaro.

Sa pinataw na parusa ng PBA, multa ng P200,000 si Santos, kasama pa ang 100 oras na community service at seminar ukol sa racial discrimination.

Ngunit hindi ito sapat para sa iba, nais na masuspende rin sa liga ang manlalaro kahit pa nag-sorry na si Santos kay Jones, sa liga at sa mga fan.

Matatandaan na isa si Calvin Abueva sa mga na-suspend ngayon kasunod ng pananakit nito kay Jones, sumunod sa naging sexual innuendo nito sa dyowa ni Ray Parks Jr na si Maika Rivera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?