85

By

Sigaw ng mga fan: Palayain si Britney Spears!

Ilang taon na umanong hindi kontrolado ni pop star Britney Spears ang kanyang buhay kaya giit ng mga fan na panahon na para sa hashtag na #FreeBritney.

Abril nang magsalita si Spears sa kanyang 22 million Instagram followers.

“Don’t believe everything you read and hear. Your love and dedication is amazing but what I need right now is a little bit of privacy to deal with all the hard things that life is throwing my way,” saad ni Spears.

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang pumasok sa mental health facility ang pop star.

Hindi naman naniniwala ang mga fan ni Spears na pumasok ito sa mental facility sa sarili niyang kagustuhan. Na may sakit ang ama niya at kailangan niya ng space and time para makapiling ang kanyang pamilya.

Lumalabas na mga espekulasyon na minamanipula si Spears.

Tatlong buwan na pinag-aralan ng Los Angeles Times ang conservatorship ni Spears at nagtanong-tanong na rin sa mga malalapit sa singer kung paano ito nakakaapekto sa singer pero walang nakipagtulungan sa kanila.

Sa kabila ng pagiging A-list performer at pagkita ng milyon-milyong dolyar, wala umanong full control sa kanyang buhay o business affairs si Spears.

Dahil simula 2008, nasa ilalim siya ng court-approved conservatorship – na mas kilala sa ibang states na legal guardianship — na nagbibigay sa kanyang ama ng awtoridad sa kanyang mga finances at marami pang personal na desisyon. Ang ibang fan ay naniniwala na ang naturang arrangement ay ‘intended to exploit’ sa halip na makatulong kay Spears kaya kampanya nila: #FreeBritney.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?