153

Dec 19, 2017 @ 16:08
By

Siga sa Tondo, arestado sa sumpak

Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng isang lalaki na diumano’y siga sa kanilang lugar matapos maaresto dahil sa paghahamon ng away sa mga dumadaan sa Capulong St, Brgy. 107, Tondo, Manila.

Sa kulungan ang bagsak ng suspek na si John Angeles, 26 na ayon sa mga nagsumbong sa pulis ay nagwawala habang may dalang improvised shotgun o sumpak.

Pagkatanggap ng tawag mag-a-ala una ng madaling araw, agad na rumisponde ang mga tauhan ng Manila Police District Station pero sa halip na maging payapa ang pagsuko ay pumalag pa ito.

Nakumpiska sa suspek ang bitbit niyang sumpak at isang live ammunition.

Mahaharap sa Breach of Peace, Direct assault at RA 10591 o comprehensive firearms and ammunition regulations act ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?