32

Mar 4, 2020 @ 16:21
By

Sibilyan ginagawang sekyu ng mga Chinese sa POGO

Dahil sabay na dumami ang mga Tsino sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa, maging mga sibilyang Pilipino, ginagawa nang private security personnel.

Kinukuha umano ng mga Chinese national ang serbisyo ng mga hindi awtorisadong security personnel para magsilbing VIP escort pagdating nila sa bansa para malayang makapunta sa mga lugar nang walang ­aberya.

“Nagdagsaan ‘tong POGO, [kaya] maraming nag-a-avail nitong security agency at nag-uunahan pa, to the point na ‘yung civilian na may permit to carry [firearms] allegedly ang ginagamit as security, and ‘pag hinuhuli mo o chine-check, pinapalabas na driver [lang],” ayon kay PMGen. Roberto Fajardo Jr. Philippine National Police Civil Security Group (PNP-CSG) ngayong Miyerkoles, Marso 4, 2020.

Nag-utos na umano si Fajardo sa lahat ng CSG regional chief na maki­pag-ugnayan sa kanilang lokal na pulisya upang matugis ang mga kolorum VIP escort. Sanib-puwersa aniya sa pambansang crackdown ang mga lokal na pulis, ang Criminal Investigation and Detection Group, at ang PNP Highway Patrol Group.

Sakaling may mahuli ay kakasuhan umano ang mga ito ng paglabag sa Republic Act 5487 o ang “Private Security Agency Law.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?