51

Jun 19, 2020 @ 18:35

Sibakan uli sa PAL, CebuPac nakaumang

Dahil sa konting biyahe ng Philippine Airlines (PAL) dulot ng COVID-19 pandemic, nakaumang ngayon ang maramihang sibakan sa mga susunod na buwan, ito ang ibinabala ni PAL president Gilbert Santa Maria.

Una ng nagtanggal ang PAL ng 300 ground staff noong Pebrero, habang ang Cebu Pacific ay nagtanggal ng halos 190 mga empleyado noong Marso.

Dahil sa matinding epekto ng pandemya napilitan ang Cebu Pacific na muling magtanggal ng mahigit 1,000 mga empleyado o 25 porsiyento ng kabuuang workforce nito.

Hanggang Hulyo 20 na lamang ang huling pasok ng mga sisibaking higit 1,000 na karamihan ay nasa ilalim ng 1Aviation Groundhandling Services Corp., may hawak sa mga serbisyo ng baggage sorting at aircraft towing, na isang pangunahing sektor sa airline business. (Mina Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?