By

Sibakan sa It’s Showtime hosts

Sharing is caring!

May biglang nakarating sa amin na balita na kung hindi tatanggalin ay sususpindihin daw si Ryan Bang sa It’s showtime!

For sure, ang iisipin natin na dahilan ay ang ikinuwento ni Vice Ganda sa noontime show na nakakatawang insidente na nai-share ni Ryan nang hindi sinasadya sa anak ni Vic Sotto na si Danica ang mga bagong segments na gagaawin ng It’s Showtime habang nasa New Zealand sila para sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heusaff recently.

Hindi alam ni Ryan na tatay ni Danica si Bossing na isa main hosts ng katapat nilang show na Eat Bulaga, kaya tawa nang tawa ang lahat ng hosts, staff, crew at lahat audience sa chikang ito ni Vice on national television na pinagusapan ng lahat ay malamang ay nakarating din sa EB management.

But since walang kumpirmasyon ang umugong na chika tungkol nga sa pagsibak o pagsuspend kay Ryan sa It’s Showtime, minabuti naming tawagan ang kanyang handler na si Kate Dolino.

Ayon kay Kate, wala raw silang alam sa ganyang balita na lumabas. Otherwise, makakarating dapat sa kanila at sasabihin sa kanya ng alaga n’yang si Ryan.

For some reason, dawit din daw sa suspension sina Jugs at Teddy na malaking palaisipan din sa amin kung bakit. Dahil kaya sa tweet ni Teddy na tila patutsada sa naunang tweet ng beteranong host ng EB na si Joey de Leon na may kasamang lumang larawan n’ya kuha sa dead sea nu’ng araw na nagbigay tribute ang It’s Showtime para sa pagpanaw ng Hashtag member na si Franco Hernandez dahil sa pagkalunod nito sa dagat sa Davao habang nagbabakasyon? Wala rin kaming idea kung ano ang nagawa ni Jugs na maaari n’yang ika-suspend sa show, kaya mukhang haka-haka lang ang lahat ng ito dahil wala namang basehan.

Ang alam lang namin ay nagkaroon daw ng mahalagang meeting nu’ng Huwebes lang yata ang halos lahat ng hosts ng It’s Showtime with ABS-CBN big boss, Cory Vidanes.

Kaya para sa mga supporters nina Jugs, Teddy at Ryan, wala kayong dapat ipagalala. Patuloy n’yo pa rin silang mapapanood sa It’s Showtime, mula Lunes hanggang Sabado. (France Simeon)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?