180

Aug 3, 2021 @ 15:29
By

Siargao may pambato na sa Miss U PH

Nakapagpadala na ang “Surfing Capital of the Philippines” o Siargao Island ng una nilang pambato sa Miss Universe Philippines at ito ay sa katauhan ni Michele Angela Navarro Okol.

Kursong Political Science ang kinukuha ng 20-anyos na si Okol at ayon sa kanya ay beauty and brains ang magiging alas niya sa pageant.

Hilig rin ni Okol ang sustainable fashion o ang pagbibigay ng panibagong anyo sa mga lumang damit at accessory upang maging tila bagong kasuotan.

“Ang akin pong pagkahilig sa pananahi, mula ng ako ay 12 years old pa lang, ay naging isang passion at ngayon ay akin nang adbokasiya upang makatulong sa kabawasan ng mga waste at harmful gasses na naidudulot ng mga pabrika sa ating kapaligiran,” pahayag ni Okol.

Sa ngayon ay umaasa si Okol na papasa sa mga serye ng virtual challenges ng pageant dahil 30 kandidata lamang ang makakapasok sa coronation night sa Setyembre 25.

Sa Israel naman gaganapin ang Miss Universe pageant sa Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?