78

Dec 28, 2017 @ 13:57

‘Siargao’ humakot ng awards; Jasmine iyak nang iyak sa nakuhang award

Maiingay pa rin naman ang nasa audience lalo na sa grupo ng Siargao na siyang may pinakamaraming inuwing awards na beyond their expectations dahil ayon nga kay Direk Paul Soriano ay chill lang sila sa isla habang ginagawa nila ito.

Cool naman ang grupo ng Ang Larawan na inaaasahang hahakot ng maraming awards at nag-uwi nga ng anim na wooden trophies kabilang ang most-coveted Best Picture Award at Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award.

Mangiyak-ngiyak naman si Jasmine Curtis-Smith sa pagtanggap ng kanyang Best Supporting trophy samantalang ‘naglandian’ naman onstage sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa nang si EA ang tinawag bilang Best Supporting Actor.

Para naman sa iba, surprise winner si Derek Ramsay bilang Best Actor dahil ang paborito sa category na ito ay si Joross Gamboa habang si Joanna Ampil naman bilang Best Actress ay hands down choice ng halos lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?