18

Oct 7, 2021 @ 15:39
By

Siargao da best isla sa Asya

Tinanghal na best island sa Asya ngayong taon ang “Surfing Capital of the Philippines” na Siargao.

Batay ito sa 34th Readers Choice Awards ng US-based lifestyle travel magazine na Conde Nast Traveler.

Bukod sa Siargao na matatagpuan sa Mindanao, pasok din sa Top 10 Islands in Asia for 2021 ang Palawan at Boracay, sa ikatlo at ikawalong puwesto ayon sa pagkakasunod.

Narito ang Top 10 Islands in Asia for 2021:

· Siargao (Pilipinas)

· Raja Ampat Islands (Indonesia)

· Palawan (Pilipinas)

· Bali (Indonesia)

· Sri Lanka

· Langkawi (Malaysia)

· Koh Samui (Thailand)

· Boracay (Pilipinas)

· Phi Phi Islands (Thailand)

· Phuket (Thailand)

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?