35

May 31, 2019 @ 13:23
By

Siakam nagpakilala! 1st Finals game, panalo agad ang Toronto

Naitawid ng Toronto Raptors ang kanilang unang NBA finals game, pinadapa ang defending champions Golden State Warriors, 118-109, para kunin ang abante sa serye.

Maagang nagpakita ng bangis ang Raptors, naipilit ang 10 first half turnover para ipakita sa Warriors na kaya nilang makipagsabayan.

Nakalamang ng sampu ang Toronto,59-49, ngunit sa second-half ay biglang rumatsada ang Golden State.

Sa third, napababa sa tatlo ng Warriors ang lamang, 90-87, matapos paupuin sa bangko si Kawhi Leonard.

Ngunit nakasagot ng dalawang sunod na bucket ang Toronto dahilan para mag-timeout ang GSW.

Hindi na tumingin pa ang Raptors at nanatili sa driver’s seat sa buong laro.

Hindi man naging domnante si Leonard, tumapos ng 23 points, walong rebounds at limang assists, nagpakitang-gilas naman si Pascal Siakam na may 32 markers, five boards at walo ring rebounds.

“It’s amazing man,” saad ni Siakam sa harap ng Toronto crowd. “The best fans in the NBA. Just like this moment, we want to continue to do what we do, and hopefully we’ll get it done.”

“We’ve got to stay solid. It’s a great team we’re playing against,” saad pa ng Most Improved Player candidate. “It’s gonna be tough. We’ve just got to be ourselves. They’re gonna make adjustments. We’ve got to be ready for that.”

Si Steph Curry ang humarabas sa Warriors, kumamada ng 34 points at tiglimang rebounds at assists ngunit kinulang ng suporta lalo’t hindi pa naglaro ang kanilang star player na si Kevin Durant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?