81

Nov 6, 2019 @ 20:38
By

Si Robredo na ang boss sa drug war! – Panelo

Si Vice President Leni Robredo ang magiging ‘boss’ at masusunod sa mga nais nitong gawin sa paglutas sa problema sa illegal drugs sa bansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos tanggapin ng Bise Presidente ang alok na maging drug czar.

Ayon kay Panelo, dahil si Robredo na ang drug czar, maaari nitong gawin ang gustong ipatupad para sa ikatatagumpay ng kampanya kontra iligal na droga, pati na ang posibilidad na magpatupad ng mga pagbabago, gaya halimbawa ng pagsuspende ng drug operations.

“She’s now the drug czar, then she can do what she wants. It will be her method of stopping, eliminating the illegal drug menace of this country. She will be on top of the situation, campaign against illegal drug trafficking in this country. There are laws for that. Ikaw na nga ang bossing eh. She’s the boss then she can do that,” ani Panelo.

Gayunman, sinabi ng kalihim na kailangang mag-usap muna ang Bise Presidente at ni Pangulong Rodrigo Duterte para malaman nito kung hanggang saan ang lawak ng saklaw ng kanyang pagiging drug czar.

“The Vice President has made some conditions, eh di this is the time for her to ask the President. Kaya they have to talk, kailangang malaman ang scope ng authority mo,” dagdag pa ni Panelo.

Tinitiyak ng kalihim na susuportahan ng Malacañang ang mga ilalargang aksyon ng bagong drug czar dahil ang tagumpay ng Bise Presidente ay tagumpay din ng gobyerno at ng sambayanang Pilipino.

“We will give all the support, being a member of the cabinet, it behooves all of us to help each other because her success is the success of the cabinet as well as this administration, and ultimately the Filipino people,” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , , ,