44

Jan 12, 2022 @ 16:21
By

Si Pialago naiwan! Party-list ni Mocha Uson aprub sa Comelec

Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura ng Mothers for Change (MOCHA) party-list para sa darating na halalan.

Ayon sa Comelec, nakapagbigay ng sapat na requirement ang MOCHA para maging sectoral organization.

Ang MOCHA ay isa umanong party-list para sa mga nanay, partikular ang mga solo parent.

Si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Executive Director Mocha Uson ang first nominee ng MOCHA habang si Michelle Gumabao naman ang second nominee. Hindi pa mga nanay ang dalawa.

“They (Mothers for Change) met all the requirements for a sectoral organization. That was the justification of the decision,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Sa kabilang dako, supalpal naman ang kandidatura ng Malasakit Party-list ni dating Metro Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago.

“The Malasakit Movement’s accreditation was denied because they failed to meet the requirement for a sectoral party-list organization,” wika pa ni Jimenez. “They [were] unable to prove that they represent a marginalized and underrepresented sector.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?