29

By

Si Liza na ang forever ko – Enrique

Sharing is caring!

Napakaraming nagpaka-‘cheesy’ na mga magka-loveteam, real or reel (dahil wala pang official na pag-amin), sa socmed sa Valentine’s Day.

Pero isa sa talagang may hatid na kilig ay ang Instagram post ni Enrique Gil para kay Liza Soberano. Kasabay nito ang magkayakap na picture nilang dalawa.

Kahit na hanggang ngayon, hindi pa rin sila umaamin sa totoong estado ng relasyong meron sila, sa mga ganap nila na mag­kasama lalo na ‘yung pagbabakasyon nila sa Europe noong Christmas at ang halos ipagsigawan na ni Enrique na pagmamahal niya kay Liza sa socmed, para sa amin, hindi na kailangan ng solidong pag-amin na, ‘yes, kami na po or officially, kami na’.

Sino nga ba ang hindi kikiligin, hindi lang sa pag-a-I love you ni Enrique kay Liza kung hindi ang pagsasabi niya na ‘forever’ niya ito. Ewan kung may mangangahas pang pumorma o manligaw kay Liza sa caption ni Enrique na, “Happy Valentines my (heart sign) you have the biggest heart in the world that’s why hearts day is your day. Ikaw na talaga ang forever ko, I love you.”

Dalawang oras pa lang simula nang i-post ito ni Enrique on Valentine’s Day, kulang 100,000 likes na agad ang ina­bot ng post niya at halos lahat ng comments ay kinikilig sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?