47

Jun 23, 2022 @ 19:30
By

Si Joma Sison ang tunay na nagre-red tag! – incoming NICA chief

Si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison umano ang nagre-red tag o nag-uugnay sa mga people’s group sa komunismo at hindi ang mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay incoming National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director-General Ricardo de Leon, mayroong video footage si Sison kung saan sinasabi nito ang mga grupo na front ng CPP.

“First, let me clarify that…the government forces, we do not do red-tagging. Binibigyan natin ng emphasis. Sino ba yung nagsabing mang-red tag, ‘di ba si Joma Sison? Siya ang nagdedeklara itong ganitong…. yan ang front natin, ito yung ano… not the government forces,” sabi ni de Leon.

“We can show videos on how Joma Sison was really…. proudly tagging these organizations,” dagdag pa ni de Leon. “Sabi ko nga hindi naman ako ang nagta-tag sa kanila o kami ang nagta-tag sa kanila ang nagki-claim dyan is their own head.”

Inamin ni de Leon na ang video ay pinapanood sa mga estudyante ng Philippine Public Safety College (PPSC). Si de Leon ang kasalukuyang pangulo ng PPSC.

“The purpose is for them to be aware because sabi nga nila may mga front organizations, meron naman sa underground so that you will understand the conditions that you are confronting,” sabi pa ni de Leon.Ang PPSC ay eskwelahan ng mga nag-aaral na tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?