157

Oct 8, 2017 @ 12:29

Shy Carlos, hindi type ligawan ni Empoy

Kahit sinasakyan ni Empoy ang mga biro ni Dennis Padilla tungkol sa kanila ni Shy Carlos, wala pa raw talaga sa isip ng tinaguriang ‘Da New Pogi’ ang magkaroon ng girlfriend.

Si Shy ang leading lady niya sa follow-up movie niyang The Barker. Maganda raw si Shy, makinis ang balat, makulit din paminsan-minsan at isang girlfriend material, pero, it’s a ‘no, no’ muna sa kanya ang magkaroon ng dyowa.

Ang dyowa raw niya ngayon ay ang pagmamahal niya sa Diyos. ‘Yun daw ang totoo!

Gusto raw muna niyang i-enjoy ang anumang tagumpay na tinatamasa niya ngayon at gusto niyang ibalik ito sa Poong Maykapal.

Active nga sa Christian life ang pinakasikat ngayon na komedyante, at ito ang malaking advantage niya sa iba. Kaya kita talaga sa kanya ang kababaan ng kanyang loob.

Bukod pa rito, hindi raw niya feel ang magkaroon ng girlfriend na taga-showbiz.

So, bokya na kaagad dito ang pinipilit na maging sila ni Shy, noh! Chos lang!

Parang ang dating, ‘never ever na maging sila’, kaya stop na ang pagti-TH (trying hard) sa kanilang loveteam, huh!

Dalawang taon nang hiwalay sa kanyang non-showbiz dyowa si Empoy at ayaw pa muna niyang sundan ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?