4

Aug 5, 2020 @ 12:35

Shuttle service sa MECQ `di na kailangan ng special permit

Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na hindi na kailangang mag-apply ng special permit ang mga pampublikong sasakyan na gagamitin ng mga pribadong kompanya bilang shuttle service ngayong ibinalik ang modified enhanced community quarantine.

Kabilang sa mga lugar na ibinalik sa MECQ ay ang National Capital Region o Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon sa DOTr, kailangan lamang magpakita ang driver ng certificate/authorization letter o letter of intent mula sa kompanya kung saan nakasaad ang partikular na ruta nito bilang patunay na ginagamit ang kanyang sasakyan bilang shuttle service.

Kasabay nito, ipinahayag din ng DOTr na kanilang hinihimok ang mga pribadong kompanya na umarkila o magrent ng mga pampublikong sasakyan katulad ng bus, UV Express at modern o traditional jeepney upang maging shuttle service ng kanilang mga empleyado ngayong MECQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?