895

Apr 29, 2020 @ 20:46
By

Shunga Day? Guanzon inalaska, UP at Ateneo laglag sa Bar exam topnotchers

Nakatikim ng pangliligwak sa mga netizen si Comelec Commissioner Rowena Guanzon matapos walang pumasok na graduate ng Ateneo at University of the Philippines sa Top 10 ng mga nakapasa sa 2019 Bar examinations.

Matatandaang sinabi kamakailan ni Guanzon na sinumang gustong makipagdebate sa kanya tungkol sa pagkamatay ng dating sundalo na si Cpl. Winston Ragos ay dapat siguruhing nakapagtapos ang mga ito sa UP Law o Ateneo na nilagyan niya ng hashtag na #BawalAngShunga.

Napa-comment dito si DZBB reporter Joel Zobel, “Paano yan mam? Walang pumasok na UP o Ateneo Law sa TOP 10 ng 2019 Bar. So, its Shunga day today?! Hehe. #huwagmayabang.”

Gayundin ang maraming netizen.

@banyanini: “Not saying this to mean any offense to UP or Ateneo. But look at the list of bar topnotchers! Smiling face with heart-shaped eyes Miss Guanzon, wala pong Ateneo at UP. Look down pala ha. Wag kasi hambog.”

@Aj_pilipino: “No one from UP and Ateneo made it to Top 10 Bar Exams. Rowena Guanzon deserves the no. 1 spot in 2020 Wall of Shame.”

@MacLen315: “Who watched the latest version of “DUMB and DUMBER, starring Guanzon and Davila?”

@boomtownrat2000: “@rowena_guanzon and @COMELEC Way to go mga SHUNGA!! UP, Ateneo where art thou??!!!!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?