29

Jul 19, 2021 @ 12:50
By

SHS graduate sa Taguig tatanggap ng P15K scholarship

Abot sa P15,000 halaga ng scholarship ang makukuha ng mga magtatapos ng senior high school (SHS) sa Taguig City.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang mga voucher certificate ay ibibigay sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In-Need (L.A.N.I.) scholarship program.

Ipagkakaloob ito sa mga estudyanteng mag-eenroll sa kahit anong tech-voc, certificate at baccalaureate course.

“This voucher is part of the L.A.N.I scholarship program that persuades graduates to take up tertiary education. To our beloved students, we have faced so much this year, let us get inspiration from this graduation. We will not abandon you,” ayon sa pahayag ni Cayetano.

Bukod sa scholarship, tatanggap din ng P15,000 ang mga magtatapos ng Top 1 sa Grade 1, 10 at 12.

Habang ang mga Top 2 naman ay makakukuha rin ng P12,500.

Sa mga iba pang makapapasok sa Top 10, bibigyan sila ng P5,000 para sa elementarya, habang P7,500 naman sa high school.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?