62

Oct 10, 2017 @ 10:05

Shows abroad ni John Lloyd, kanselado na Sitcom with Toni, binago na…

KAHANGA-HANGA how Star Magic is still supporting John Lloyd Cruz sa kabila ng pinagdadaanan ng aktor. Mabilis ang Star Magic sa pag-issue ng statement sa leave of absence ng aktor. Bago pa nga naman maunahan ng intriga, mabuti na ‘yung sa kanila nanggaling ang statement.

We feel na appropriate ang move na ‘yon with John Lloyd being their prized possession. John Lloyd may have had his share of issues with ABS-CBN, pero kapag ang Star Magic bosses na ang kausap nito ay sumusunod naman ito.

Sa leave of absence ni John Lloyd, isang show lang ang naapektuhan, ang Home Sweetie Home. Hindi na nag-taping ang aktor last week. May mga changes na gagawin sa story para iakma sa pansamantalang pagkawala ni John Lloyd.

May ilang naunang commitments na rin si John Lloyd na kailangang i-cancel, ito ‘yung ilang shows locally and abroad.

The day before na umalis si John Lloyd for his vacation sa Europe, um-attend muna ito ng birthday party ni Maja Salvador. The actor is like a Kuya to Maja.

By this time, ini-enjoy na ni John Lloyd ang kanyang Europe vacation. Siyempre, with rumored girlfriend Ellen Adarna who also for the meantime ay ‘di na rin muna mapapanood sa Home Sweetie Home.

Sana sa pagbabalik ni John Lloyd mula sa bakasyon ay maayos na ang lahat. Makagawa ulit ng magagandang pelikula. And a teleserye perhaps? Iba pa rin talaga kapag ang isang artista ay napapanood sa teleserye.

Coco is enjoying his status as the King of Television with FPJ’s Ang Probinsyano. Piolo Pascual started taping for his new teleserye under Dreamscape with Arci, Muñoz, JC de Vera, Alessandra de Ross and Empoy Marquez.

Gerald Anderson rules the prime tanghali timeslot with his Ikaw Lang Ang Iibigin with Kim Chiu. Jericho Rosales is starting a new teleserye, too. (ERIC JOHN SALUT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?