126

Nov 5, 2017 @ 17:29

Showbiz industry nagluksa sa pagpanaw ni Isabel

Napuno ng pakikiramay at mensahe ang social media sa pagpanaw ni Isabel Granada, isa sa itinuturing na pinakamagandang dating child star ng local cinema.

Ilang minuto matapos mabalitang binawian nang buhay ang aktres, nag-post na ang mga fans, kakilala, mga kasamahan sa showbiz industry at iba pang kanilang mensahe sa pagpanaw ng aktres.

@biancalapus, “Heaven just gained another Angel…Rest in peace sis @isabelgranda21 I am thankful for the 2 decades of friendship we had…ok lang kahit di natuloy ang date natin at inuman ng guyabano juice at pagtatawan natin na after I gave birth hindi na kasya sa akin ang costume natin sa play na noli me tangere kung saan nag-alternate tayo as maria clara at tinanggap ko yung role ko na mermaid sa Halik ng Sirena dahil sa iisang rason na ikaw ang bida dun kahit hirap na hirap ako sa buntot ko at muntik malunod tapos tawa ka ng tawa.

“Yung tawa mo yun ang gusto kong tandaan ngayon kasama ng pambansang eyelashes mo..ang importante hindi ka na nahihirapan. No more pain. I know you fought sis..Pahinga ka na, mahal kita.”

@angelinequinto, “nakikiramay po ako sa buong pamilya at mga kaibigan ni Ms. Isabel. Hindi ko man po kayo nakilala ng personal alam kong napakaraming nagmamahal sa inyo dahil napakabuti nyo. Pahinga na po kayo Ms. @isabelgranada21.”

@billycrawford, “RIP ate isa, you surely be missed. May you rest well in the presence of our Lord Jesus Christ. My condolences goes out to Mommy gwapa and the rest of your family. I lost a friend but gained an angel.”

@vhongx44, “hanggang sa muli nating pagkikita mare. Salamat sa pagkakaibigan at pagmamahal, we will miss you!”
Sina Jaya, Janno Gibbs, Manilyn Reynes, John Lapus ay nagposte rin ng kanilang pakikiramay. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?