440

Dec 30, 2017 @ 19:29
By

Showbiz babies pasikatan sa social media: Zia, Scarlet, Zion, Nate, Seve, Talitha, Isabella, pa-cute pa more!

HINDI lang video at photo scandals ang pinagpiyestahan sa social media ngayong 2017. Sangkatutak din ang isyu, talakan.

Pero, hindi rin nagpakabog ang showbiz babies sa social media. Sila ang mga anak ng mga sikat na artista, celebrities. Sila na naging paboritong tutukan ng netizens.

Sa likod nga ng mga negative na kaganapan sa showbiz tila ang naging pambalanse para maging positive naman ang social media ay ang mga cute na cute na millennial babies.

 

1. SCARLET SNOW BELO

NANGUNGUNA na sa listahan na most viewed ang anak nina Dr. Vicky Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo.

Araw-araw ay naka-post ang anumang kaganapan sa bata sa Instagram account ng parents niya, at meron ding sariling account si Scarlet.

Ang magandang mukha at mapupulang pisngi ng bata ang nakakaagaw ng atensyon ng netizens. At habang lumalaki ito, lalo itong nagiging cute, smart at mabait.

Lahat ng videos nito ay nagpapakita ng pagiging sweet niya sa lahat ng mga taong nakakaharap niya. Ang pagiging generous niyang magmahal sa mga taong nakapaligid lalo na sa kanyang mommy at daddy ang lutang na lutang.

At ang isa ring natatanging karakter nito ay ang katalinuhan niya. At siyempre, ang pagiging fashionista rin niya.

Hindi makakalimutan ng netizens ang pagiging Aubrey Hepburn niya sa costume niyang ala-Breakfast in Tiffany.

 

2. SEVERIANO ELLIOTT o SEVE

ANG kulot-kulot na buhok at pagiging chubby ni Severiano Elliott o baby Seve na anak nina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano ay bumibida rin sa Instagram. Naka-post palagi sa Instagram account ni Toni ang lahat ng galaw ni Seve na nakakaaliw sa sobrang kalikutan nito.

Matatandaang muntik na ring makabasag ng pabango sa isang store ang bata habang nagti-test si Toni. Lahat kasi ay gusto nitong hawakan.

Si Alex Gonzaga na sister ni Toni ay baliw na baliw sa pamangkin niya, na wagas kung panggigilan niya.

 

3. ISABELLA PADILLA

HABANG lumalaki ay lumalabas naman ang ganda ni Isabella Padilla, anak nina Mariel at Robin Padilla. May kakaibang panghatak sa netizens ang mga ngiti ng bata sa photos at videos na pino-post nina Robin at Mariel sa kanilang IG wall.

Ang pagkakaroon ng charming at magandang mga mata ni Isabella ang isa mga traits nito na kaibig-ibig. Nahahawig sa ganda ng mata ni Robin ang kanyang anak na ayon kay Mariel ay parang pinagbiyak na bunga.

 

 

4. MARIA LETIZIA O ZIA

NAKUHA naman ni Maria Letizia o Zia ang genes ng kanyang parents na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Parang manika sa ganda ang royalty baby na ito nina Yanyan at Dong.

Walang aagaw sa pamosong ‘nguso’ trademark ni Zia sa socmed na pinanggigilan sa kanya at kinaaliwan ng netizens.

Cute na cute rin si Zia sa twinning outfits nila ng kanyang ina lalo na ang mga bikini outfit nila. Laging humahamig ng maraming likes at shares ang photos ni Zia, tulad na lang nu’ng photo niya sa Siargao na naka-pose siya sa buhangin, naka-bikini at naka-nguso pa rin.

Kahit si Regine Velasquez ay hindi napigilan na mag-comment na “May nanalo na! Uwian na!”

 

5. NATHANIEL JAMES ALCASID O NATE

SPEAKING of Regine, breath-of-fresh air para sa fans nila ng mister niyang si Ogie Alcasid ang mga video at photo posting nila ng anak nilang si Nathaniel James o Nate sa Instagram.

Ipinapakita nina Regine at Ogie ang kabaitan ng kanilang anak na labis nilang ipinagpapasalamat sa Diyos, dahil binigyan sila ng isang anghel.

Ang pagiging malambing ni Nate ang isa sa mga nagpaibig sa fans ng parents niya.

Ikinatuwa ng lahat ang kakayahan ni Nate na kumanta. Malaki ang potensyal na maging isang mahusay na singer ang bata, sa ganda ng boses nito.

 

6. FEATHER PRATS

SI Feather Prats naman ay anak nina Isabel Oli at John Prats na cute na cute rin ang itsura. Ang pagiging laging masaya ng bata ang kinagigiliwan sa kanya ng netizens.

At sa kanyang paglaki nakikita ang pagkakahawig nito kay John Prats.

 

7. ALEXANDRIA QUINTO MAGALLANES

PARANG mamanahin naman ni Alexandria Quinto Magallanes ang bubbly at comic traits ng kanyang ina na si Rufa Mae Quinto. Sa mga posting pa lang ni Rufa Mae makikita na magaling na ngang mag-emote ang bata sa harap ng camera.

Kapag nakatapat na ang camera kay Alexandria, ngingiti na ito. Madali rin itong patawanin.

Ang kapal ng buhok nito at chubbiness at singkit na mata ng bata ang nakakaaliw pagmasdan ng netizens sa kanya sa Instagram.

 

 

8. ZION

SIYEMPRE, hindi mawawala sa listahan ang cute na anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Zion na pinagkakaguluhan din sa social media. Na habang lumalaki nga ang bata ay lalo itong gumuguwapo.

 

9. TALITHA MARIA SOTTO

AT ang latest nga na bida sa social media ay ang anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Baby Talitha, na maya’t maya rin kung i-post ng ina at mga tao sa paligid niya ang cute na cute na mukha niya. Ang lusog nga ng pisngi ng baby at alam mong lalaki ito na pagkaganda-ganda.

 

10. PRIMO ARELLANO

BUMIBIDA rin sa IG si Primo na anak nina Iya Villania at Drew Arellano. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?